676
KathNiel hiwalay ngayong 2019
By

KathNiel hiwalay ngayong 2019

May malungkot na balita sa mga fan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Inamin ni Kathryn na nagkasundo sila ni Daniel noong nakaraang taon na huwag tumanggap ng proyektong magkasama sila ngayong 2019.

Sinabi ito ni Kath sa exclusive interview sa kanya ng Preview.

Mahirap man umano, nakiusap si Kathryn sa mga nagmamahal sa kanila ni Daniel na suportahan pa rin ang individual projects nila ng orihinal na ka-loveteam.

“It’s a risk, and I’d be lying if I told you that the idea doesn’t scare me. [B]ut at the same time, I’m excited to discover what kind of opportunities await us both in this journey,” saad ni Kathryn.

Blockbuster hit ang huling pelikulang pinagsamahan nila ni Daniel na “The Hows of Us” noong nakaraang taon sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

May pelikula ngayon sa Star Cinema si Kathryn pero hindi si Daniel ang kanyang makakatambal kundi si Alden Richards ng AlDub love team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?