125

By

KathNiel gusto ni Korina na gawing ninong, ninang nina Pepe, Pilar

Nais umano ng new mom na si Korina Sanchez-Roxas na kuhaing ninong at ninang ng kaniyang mga anak na sina Pepe at Pilar ang celebrity sweethearts na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

“Lahat sila gusto ko. Gusto ko si Daniel, gusto ko si Kathryn. Pero alam niyo naman, siyempre hindi ko naman puwedeng dalhin ang buong mundo diyan,” saad ni Korina sa kaniyang guest appearance sa ‘Magandang Buhay’ noong Biyernes.

Ipinaliwanag ni Korina kung bakit gusto niyang magkaroon ng mas batang ninong at ninang ang kaniyang kambal na anak.

“Kailangan mas bata [‘yung mga ninong at ninang] kasi siyempre, ‘yan ang magga-guide sa kanila,” aniya.

“Mukhang mga pinsan din nila, parang ganun,” dagdag pa nito.

Nang tanungin naman ito hinggil sa binyag ng dalawa, agad na sumagot ang beteranong broadcaster, “Nag-blessing na kami. Kasi sabi ko ayaw ko na yatang maghintay ng binyagan pa. Parang nag-blessing na kami roon, kumuha kami ng pari. Pero ‘yung baptismal, dito.”

“Gusto ko mas mabilis, mas mabuti. Alam mo ‘yon, parang na-bless na siya, hindi ka na masyadong maghihintay nang matagal.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?