281
views

By

Kathleen Joy Paton, itinanghal na Miss Manila 2018

Sharing is caring!

Ginanap kagabi sa Reception Hall ng Philippine International Convention Center (PICC) ang grand coronation night ng Miss Manila 2018, hosted by Edu Manzano, Yassi Pressman at Xian Lim.

From among the thirty two beauties vying for the coveted crown, itinanghal na Miss Manila 2018 ay si Kathleen Joy Paton.

Bilang grand winner, naiuwi ni Kathleen ang titulo at korona at 1 million package (500K cash at 500K worth of managerial contract mula sa Viva).

Ang kanyang court of honor ay kinabibilangan nina Malka Shaver (1st Runner-up), Paulina Labayo (2nd Runner-up), Kristi Banks (3rd Runner-up) at Agatha Lei Romero (4th Runner-up).

Ang Miss Manila 2018 ay prodyus ng Viva Live, sa pakikipagtulungan ng Office of the Mayor ng Manila (Hon. Joseph “Erap” Estrada) at MARE Foundation thru its chairman and pageant director, Ms. Jackie Ejercito.

Ilan sa mga performer kagabi ay sina Sarah Geronimo, Billy Crawford, Nadine Lustre, Ex-Battalion at James Reid. Ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda ang tumayong Chairman of the Board ng Miss Manila 2018.

Mapapanood sa July 1 ang kabuuan ng pagent sa Sunday’s Best ng ABS-CBN pagkatapos ng “Gandang Gabi, Vice.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?