48

Sep 27, 2021 @ 16:44
By

KathDen humakot sa Star Awards

Humakot sa PMPC Star Awards for Movies noong Linggo ang blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye”.

Nanalo ang movie na pinagtambalan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ng “Best Movie of the Year”.

Bukod doon, tinanghal ding Best Actor si Alden dahil sa mahusay na pagganap kay Ethan.

Nakuha rin ng pelikula ang Best Director award para kay Cathy Garcia-Molina at Best Supporting Actress naman si Maricel Laxa.

Tinanghal ding Movie Love Team of the Year ang KathDen o Kathryn at Alden.

Samantala, nasungkit ni Sylvia Sanchez ang Best Actress para sa movie na “Jesusa” habang si Ricky Davao ang Best Supporting Actor para sa role niyang “Fuccbois”. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?