101

May 24, 2020 @ 12:11
By

Katedral sa Iloilo nagmisa na

Pinanumbalik na ang misa sa Jaro Metropolitan Cathedral ngayong Linggo.

Sa ulat ng Panay News, Mayo 24, sinabing limitado sa 180 ang mga deboto na maaaring dumalo kada misa, alinsunod sa coronavirus health protocol.

Nilagyan din ng marker ang mga upuan para masunod ang physical distancing sa simbahan, at nakasuot din ng face mask ang mga tao.

Ilang buwan ding suspendido roon ang mga simba at iba pang church-related activity, maging noong Mahal na Araw, bilang pag-iingat sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?