189

By

Kate Valdez malakas ang sex appeal

Sharing is caring!

Napakagandang bihisan ni Kate Valdez. Bukod sa ganda ng hubog ng kanyang katawan, magaling mag-project ang bagets kaya naman napakasarap tingnan ng mga litrato niya.

Bagay na bagay sa kanya ang mga dress at gownna isinusuot para sa isang local brand dahil maganda ang bagsak ng mga ito sa balingkinitang katawan ng dalaga. Idagdag pa ang matatalas niyang tingin at malalambing na ngiti, kayang-kaya niya maging pa-sweet photo man iyan o couture style!

She has the makings of a supermodel dahil asset niya ang kanyang glowing morena skin at fierce na facial features. Napakasarap bihisan ng Onanay actress, at siguradong dadami ang makakapansin sa kanya sa oras na umere na ang kanyang serye with Mikee Quintos and the one and only Superstar Nora Aunor! Eh, malakas naman talaga ang sex appeal niya. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?