40

Nov 5, 2019 @ 15:24

Kate Beckinsale nag-propose kay Ian McKellen

Binunyag ni Ian McKellen na nag-propose sa kanya ng kasal ang dati nitong katrabaho na si Kate Beckinsale.

Kasama ito sa tatlong fact na binanggit ng gay actor sa larong “two truths, one lie” habang prino-promote ang bago nilang pelikulang “The Good Liar” kasama si Helen Mirren.

The three statements were, ‘The first film I ever made was never released. I turned down the role of Dumbledore in the Harry Potter movies. Kate Beckinsale once proposed marriage to me.’

Nahulaan ni Mirren ang kasinungalingan sa tatlong pahayag, ang tungkol sa Harry Potter.

Samantala, nag-screenshot si Beckinsale tungkol sa pahayag ni McKellen at sinabing “offer still stands.”

View this post on Instagram

Offer still stands, @ianmckellen 😍

A post shared by Kate Beckinsale (@katebeckinsale) on


Bagama’t hindi sinabi kung kailan sinabi ang proposal, matatandaang naging magkatrabaho sina Beckinsale at McKellen sa 1995 TV movie Cold Comfort Farm.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?