11

Oct 23, 2020 @ 15:23
By

Kate Beckinsale hiniwalayan bagitong dyowa

Wala pang isang taon matapos kumpirmahin ang kanilang relasyon, umuugong na ang split nina Kate Beckinsale ang kanyang 23-anyos na boyfriend na si Goody Grace.

Sa report ng The Sun, hiwalay na umano ang dalawa patunay ang pag-uwi ni Grace sa Canada.

Bukod pa dito, binura na rin ng Hollywood actress ang kanyang mga social media post tungkol sa batang singer.

April naging lantad ang kanilang relasyon ng maispatan ang dalawa na magka-holding hands habang naglalakad.

Si Beckinsale ay nakilala sa mga pelikula tulad ng ‘Underworld’, ‘Total Recall’ at ‘Van Helsing’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?