683

By

Bangkay ni Kobe, 3 pa narekober sa crash site

Isa si NBA legend Kobe Bryant sa apat na bangkay na nakilatis sa helicopter crash na pumatay ng siyam katao.

Natukoy din ng Los Angeles County Department of Medical Examiner-Coroner nitong Martes sa Amerika, Enero 28, sina college baseball coach John Altobelli, Sarah Chester at pilotong Ara Zobayan.

Kinilala ang apat sa pamamagitan ng kanilang fingerprints.

Narekober na ng coroner ang lahat ng mga bangkay, habang tinutukoy pa ang katawan ng lima pang nasawi.

Linggo ng umaga (US time) nang pumanaw si Bryant, 41, kasama ang anak na si Gianna, 13, at pitong iba pa sa nag-crash na helicopter sa Calabasas, California.

Papunta sana ang mga ito sa Mamba Sports Academy sa Thousand Oaks dahil may basketball tournament ang mga bata roon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?