22

By

Katarina Rodriguez lalaban na sa China para sa korona

Sharing is caring!

All set na ang ating pambato na si Katarina Rodriguez para sa kompetisyon ng 68th Miss World na gaganapin sa Sanya, China.

Nag-post din si Katarina sa kanyang Instagram nang mga huling preperasyon niya para sa event.

Sa press send-off naman para sa kanya, ipinagmalaki ng Fil-Am model, beauty queen ang best-secret ng Pilipinas.

“My country is rich in biodiversity with pristine bodies of waters and the greenest land, each region and island connecting you with the magical experience,” sabi ni Katarina sa isang video na inilabas bago ang kanyang pag-alis para sa pageant.

Kabuuang 120 na kandidata ang magpapatalbugan para sa korona ng isa sa longest-running pageant, at sa kasaysayan nito isang beses pa lang napanalunan ng Pilipinas ang titulo at ito ay sa katauhan ng aktres na si Megan Young na kinoronahan sa Indonesia noong 2013.

Susunod na kaya si Katarina na maging Miss World?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?