501

May 18, 2019 @ 19:58
By

Kat Tolentino ‘di pa sigurado sa huling playing year

Hindi pa kinukumpirma ni Kat Tolentino kung makikita pa itong suot ang Ateneo Lady Eagles jersey sa susunod na season.

Matapos magkampeon ng Ateneo kontra UST, 25-17,25-22, 25-22, hindi pa rin kumbinsido si Tolentino kung babalik pa ito para sa kanyang huling playing year.

“I’m not sure yet. Let’s just focus on the championship celebration first,” saad ng Fil-Canadian spiker.

Ayon naman kay Ateneo coach Oliver Almadro, ayaw niya muna pag-usapan ang future ni Tolentino sa team lalo’t kakakopo lang nila ng kampeonato.

“Sabi ko naman kay Kat wag niya muna kaming paiyakin ngayon. I want this to be a happy day,” saad ni Almadro.

Si Tolentino ang naging pambala ng Ateneo sa finals, nag-average ng 12.7 points at dineklara pang Best Opposite Hitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?