208

Feb 17, 2020 @ 12:52
By

Kat de Castro tinalaga sa PTV-4, ex-PhilHealth president nilagay sa DOH

Ilang mga bagong opisyal ang in-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa nilabas na listahan ng Palasyo nitong Lunes.

Ang dating president ng IBC na si Kat de Castro ay nilagay bilang board director ng state-run People’s Television Network Inc.

Kinumpirma na rin ni Communications Secretary Martin Andanar na si Kat, na anak ng dating bise presidente at mamamahayag na si Noli de Castro, ay ang bagong general manager ng PTV-4.

Samantala, nilagay naman ni Duterte si dating Philippine Health Insurance Corporation acting president Roy Ferrer bilang bagong Assistant Secretary ng Department of Health.

Si Ferrer ay nag-resign noon sa PhilHealth ng sumambulat ang anomalya ng pagbibigay ng pondo sa dialysis ng mga pasyenteng namayapa na.

Ilan pa sa mga may bagong posisyon sa gobyerno ay sina dating Philippine Air Force chief Rozzano Briguez na ngayon ay board director ng PNOC Exploration Corporation, at Health Undersecretary Enrique Domingo na tinalaga naman bilang Food and Drug Administration director general.

Si Atty. Lorna Kapunan naman ay bagong board of trustee member ng Cultural Center of the Philippines at si Trade Undersecretary Rowel Barba ay pinangalanan bilang director general ng Intellectual Property Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?