662

Mar 9, 2019 @ 21:38
By

Kat de Castro, bagong boss ng IBC-13

Na-promote bilang bagong presidente at CEO ng Intercontinental Broadcasting Corp., o IBC Channel 13 si Katherine Chloe de Castro.

Si Katherine ay anak nina dating Vice President at veteran broadcaster Noli de Castro at TV producer Arlene de Castro.

Hindi na bago si De Castro sa broadcasting industry.

Nakapagtapos siya ng Communication Arts sa Miriam College at nagsimulang maging field reporter ng ABS-CBN.

Nagkaroon din siya ng sarili niyang show na “Trip na Trip” at “Swak na Swak”.

Bago naging “big boss” ng IBC-13 ay naging board of director muna si De Castro.

Sa panayam sa kanyang appointment sinabi ni De Castro na masaya siyang maging bahagi ng grupo na mamamahala sa privatization ng IBC-13.

Inaasahan namang magiging pribadong network na ang IBC-13 nitong 2019, ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?