64

Mar 9, 2020 @ 18:30
By

Kasya na lang sa jeep! Lakas-CMD nagpapalakas ng puwersa

Matapos ang pagkawatak-watak ay unti-unti nang binubuo at pinalalakas ng partidong Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang kanilang partido.

Nitong Lunes nagpulong ang mga pinuno ng partido sa pangunguna ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na siyang President Emeritus ng partido, at dating House Speaker Jose de Venecia bilang Co-Chairman.

Gayundin sina House Majority Leader at party President Ferdinand Martin Romualdez at Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., party chairman.

“Our team is in the process of rebuilding Lakas-CMD and we will just have to win them (former members) back again,” ayon pa kay Romualdez.

Dumalo pa sa naturang pulong sina Reps. Butch Pichay (Surigao del Sur), Aleta Suarez (Quezon), Paz Radasa (Lapu-Lapu City), Yasser Balindong (Lanao del Sur), Christian Unabia (Misamis Oriental), Hector Sanchez (Catanduanes), Roger Mercado (Southern Leyte), at Christopher de Venecia(Pangasinan).

Sa talumpati ni De Venecia, hinimok nito ang mga kasaping kongresista ng partido na pangunahan ang pagpapalakas pa ng partido at tiyakin ang maging papel nito sa darating na halalan.

“We are proud and happy to say that Lakas–NUCD-UMDP, now Lakas-CMD, is already 28 years old and had led our country for 15 years – six years under President Fidel Ramos and nine years under President Arroyo. And we can be proud of our achievements,” ayon kay De Venecia.

Binigyan pa ni De Venecia ang kalagahanan na palakasin pa ang partido bilang bahagi ng isinusulong na political reform na magiging daan para isang matatag na political decision-making.

Ang kawalan at kakulangan umano ng matatag na political groupings ay isa sa mga dahilan kung kaya’t hindi makabuo ng solido at iisang pananaw para sa pambansang interes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?