123

Jan 18, 2021 @ 20:32
By

Kasunduan sa pagbabawal sa pulis, militar na makapasok sa UP, nilusaw

Winakasan na ng Department of National Defense (DND) ang kasunduan nito sa University of the Philippines (UP) na nagbabawal sa mga sundalo at pulis na pumasok sa nasabing unibersidad.

Nakasaad sa kasunduan na kailangan munang humingi ng pahintulot sa UP administration ang militar at pulis bago sila payagang makapasok sa campus.

Pero sa sulat ni DND Secretary Delfin Lorenzana kay UP President Danilo Concepcion, sinabi niyang terminated na ang UP-DND Accord epektibo ng January 15.

Binanggit ni Lorenzana na mayroon umanong mga insidente na ilang estudyante ng UP ay natukoy bilang mga miyembro ng CPP-NPA.

“Recent events undeniably show that a number of UP students have been identified as members of the Communist Party of the Philippines/New People’s Army (CPP/NPA), some of them were killed during military and police operations while others were captured and surrendered to the authorities,” mababasa sa sulat ni Lorenzana kay Concepcion.

“These UP students were recruited by the CPP/NPA, an organization declared by the Anti-Terrorism Council as Terrorist Organization,” dagdag nito.

Sa pamamagitan aniya sa paglusaw sa kasunduan ay mapoprotektahan ang mga kabataan sa mga recruitment activity ng CPP-NPA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?