76

By

Kasunduan para sa media cooperation nilagdaan ng PH, Thailand

Inaasahang lalo pang lalakas at mas magiging maayos ang relasyon ng Pilipinas at Thailand matapos lagdaan ang isang kasunduan na may kinalaman sa komunikasyon at media cooperation.

Ang Memorandum of Understanding (MOU) on Communications and Media Cooperation ay nilagdaan nina Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar at Minister Kobsak Pootrakool sa Bangkok, Thailand.

Si Andanar ay lumipad na pa-Thailand para sa nasabing kasunduan.

Sinabi ni Andanar na malaking tulong ang teknolohiya sa mabilis na pagpapalaganap ng impormasyon sa pamamagitan ng media at iba pang platforms.

Pinasalamatan ng kalihim ang Thai government sa tulong at kooperasyon sa Pilipinas para sa ganitong adhikain dahil pinapahalagahan ang propesyon ng pamamahayag at public relations.

Tiniyak naman ni Minister Pootrakool na magpapatuloy ang technological innovations bilang pangunahing paraan para sa mas mabilis na paghahatid ng impormasyon sa publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?