deped-gsis
By

Kasunduan ng GSIS-DepEd, sasagip sa mga gurong lubog sa utang

Sharing is caring!

May pag-asa nang makaahon sa pagkakautang ang mga gurong maraming loans sa Government Service Insurance System o GSIS.

Sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang pirmahan ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng GSIS at Department of Education (DepEd) na naglalayong maiahon sa pagkakalubog sa utang ng mga guro at iba pang tauhan ng DepEd.

Sa pamamagitan ng GSIS Financial Assistance Loan o GFAL, ire-refinance ng GSIS ang utang ng isang DepEd borrower sa isang pribadong lending company sa mas mababang interes na 6% per annum at mas mababang loan term ng hanggang anim na taon.

Umaasa si DepEd Secretary Leonor Briones na sa pamamagitan ng re-financing ay matutugunan na ang reklamo ng mga guro na nakakaltasan ng malaki sa kanilang suweldo.

Sinusuportahan rin ng MOA ang DepEd Order No. 5 series of 2018 na nag-aatas ng istriktong pagpapatupad ng P5,000 minimum na buwanang take-home pay ng mga guro at DepEd personnel.

Magiging pilot areas ng GFAL ang Batangas, Bulacan, Dagupan, Naga, Cavite, Manila, Quezon City, Bohol, Ormoc, Koronadal , Butuan at Tagum sa Davao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?