3,135

By

Kasuhan ng murder ang mga sangkot sa Dengvaxia – Duterte sa PAO

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta na ang Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpayo sa kanya nitong Pebrero na magsampa ng kasong murder sa mga nasa likod ng pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia anti-dengue vaccine.

Ayon kay Acosta, confidential sana ang nasabing impormasyon subalit nadulas aniya siya sa media.

Gayunman, sinabi ni Acosta na hihintayin niya muna ang resulta ng imbestigasyon ng DOJ sa unang batch ng mga kasong isinampa nila laban sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Health (DOH), gayundin ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma.

Kanina, dalawa pang reklamo ang isinampa ng PAO sa DOJ kung saan ang mga complainant ay ang pamilya ng mga batang naturukan na sina Shiela Mae Guerra ng Las Piñas at Gilluan Vasquez ng Rizal.

Bunga nito, umaabot na sa 29 ang naisampa nilang mga criminal complaint.

Itinakda naman ng DOJ panel ang susunod na hearing sa second batch ng mga Dengvaxia complaint sa December 3, 2018 kung saan ito ang huling araw ng pagsusumite ng mga pleading ng lahat ng partido.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?