129

Jul 19, 2019 @ 19:48
By

Kasong sedisyon kontra VP Leni, oposisyon, panligaw lang – Hontiveros

Pantakip sa tunay na sitwasyon ng bansa ang inihaiing reklamong sedition kay Vice President Leni Robredo at iba pang miyembro ng oposisyon, ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

“I also find it odd that the filing of charges was done days before the President’s 4th State of the Nation Address (SONA),” sabi ni Hontiveros sa isang statement.

“I fear that this is another attempt to introduce a ‘distracting narrative’ to the people to veer public attention away from the real issues surrounding the country’s state of affairs,” dagdag niya.

Kasama si Hontiveros sa reklamong sedition na inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group kaugnay ng videos na ginawa ni “Bikoy” na nag-uugnay sa pamilya sa Duterte sa iligal na droga.

Ang iba pang respondent ay sina Senada Leila De Lima, mga dating Senador Paolo Benigno Aquino at Antonio Trillanes IV, miyembro ng Otso Diretso senatorial ticket at maraming iba pa.

Si Peter Joemel Advincula, na sinasabing si Bikoy na gumawa ng “Ang Totoong Narcolist” videos, ay kasama din sa reklamo bilang respondent at witness.

Ayon kay Hontiveros, pagsasayang ng pera ng taumbayan ang inihaing reklamo laban sa kanila.

“Instead of devoting human resources and money to pursue big-time drug lords and other criminals, our police force goes on a wild goose chase to further harass and intimidate the democratic opposition,” anang senadora.

“It is a badly-written telenovela. Bad acting. Awful script. Terrible plot twist,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?