633

By

Kasong rebelyon ni Trillanes, matagal nang patay

Sharing is caring!

Mariing sinabi ni Senador Antonio Trillanes IV na wala nang bubuhayin na mga kasong rebelyon at kudeta laban sa kaniya.

Nabasura na raw ng dalawang Korte sa Makati Regional Trial Court (RTC) ang mga kaso.

Sa nakuha niyang certified true copy ng Order ni Judge Rita Bascos Sasrabia ng Makati RTC Branch 148, ‘dismissed’ ang kasong kudeta laban kay Trillanes at iba pang miyembro ng grupong Magdalo noon pang Setyembre 21, 2011 dahil sa ibinigay sa kaniyang amnestiya ng Aquino government.

May bukod namang Order si Judge Elmo Alameda ng Makati RTC Branch 150, ‘dismissed’ din noong Setyembre 7, 2011 ang kasong rebelyon laban kay Trillanes at mga kapwa miyebro ng Magdalo.

Dahil dito, iginiit ni Trillanes na walang dahilan para siya isyuhan ng warrant of arrest ng Korte dahil wala siyang kinakaharap nakaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?