60

By

Kasong libelo ni Paolo Duterte kontra Trillanes, ‘di papakialaman ng DOJ

Sharing is caring!

Hindi sasawsaw ang Department of Justice sa panibagong kaso na kinakaharap ni Senador Antonio Trillanes IV na isinampa ng anak ng Pangulo na si Paolo Duterte.

Saad ni Secretary Guevarra, hindi umano makikialam ang kanilang Kagawaran sa libel case ni Trillanes at hahayaang ang tamang ahensya ang maging abala rito.

Pinaliwanag rin ni Guevarra na walang kinalaman ang biglaang pagsasampa ng kaso ni Paolo Duterte sa pagbasura ng amnestiya at nagkataon lamang diumano ito dahil ang pahayag ni Trillanes na pawang libelous ay sinambit rin umano noong parehong araw ng Setyembre 6.

Ang nasabing libel statement ni Trillanes ay dahil umano sa extortion nina Paolo Duterte at bayaw na si Mans Carpio sa kompanyang Uber.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?