35

May 18, 2020 @ 18:52
By

Kasong kriminal laban kay Florendo kulang sa ebidensya

Kulang umano ang ebidensya laban sa pulis na nakapatay ng dating sundalo sa isang quarantine checkpoint kamakailan.

Ibinalik ang kasong kriminal na isinampa laban kay Police Master Sgt. Daniel Florendo Jr. para sa “further investigation” dahil umano sa kakulangan ng ebidensya.

Ito ang ipinahayag sa TeleRadyo ni Philippine National Police Chief Gen. Archie Gamboa.

“Ibinalik sa pulis dahil may pagkukulang umano sa part ng evidence ayon sa prosecutor kaya binalik sa kapulisan.”

Sinabi ni PNP Chief Gamboa na ang kasong administratibo laban sa nasabing pulis ay “ still ongoing”.

Magugunita na si Winston Ragos, 34, ay nabaril ni Police Master Sgt. Daniel Florendo Jr. noong Abril 21 sa Lungsod ng Quezon matapos ang mainitang pagtatalo.

Binaril ni Florendo si Ragos na siyang ikinamatay nito sa pag-aakalang di umano ay kukuha ito ng pinanainiwalanaang baril sa kanyang “ sling bag”.

Sa naturang insidente hiniling ng Philippine Army sa National Bureau of Investigation ang isang patas na imbestigasyon sa naturang kaso dahil pinalalabas na self-defense ang naturang insidente.

Ayon sa pulis nakakuha umano ng .38 caliber sa bag ni ragos subali’t ayon sa witness, si Ragos ay mayroong post-traumatic stress disorder at hindi ito armado nang mangyari ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?