58
leila-de-lima
Feb 5, 2018 @ 16:24

Kasong katiwalian vs De Lima, Tan binasura ng Ombudsman

Isinantabi ng Office of the Ombudsman ang kasong graft ng detenidong si Senadora Leila de Lima at ni dating Sulu vice governor Abdusakur Tan kaugnay sa iregularidad sa pagpapalaya sa hinihinalang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group noong 2013.

Sa siyam na pahinang resolusyon na may petsang January 16, sinabi ng Ombudsman, na dismissed na ang kasong inihain nina Temogen Tulawie at Abner Tahil na paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban sa senadora at dating gobernador dahil sa kawalan ng pruweba.

Inakusahan sina De Lima at Tan, kasama sina dating National Commission on Muslim Filipinos chair Mehol Sadain at dating commissioner Edilwasif Baddiri na nagbigay ng tulong pinansiyal para makalaya sina Mohammad Sali Said, Jul Ahmad Ahadi, Robin Sahiyal at Mujibar Bong Amon.

Napalaya ang mga ito noong Pebrero 2013 kung kailan kasalukuyang kalihim ng Department of Justice si De Lima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?