192

By

Kasong katiwalian kontra Lapid, binuhay ng SC

Binuhay ng Korte Suprema ang graft case laban kay Senador Lito Lapid.

May kinalaman ang kaso sa pagkakasangkot ng senador sa multi-milyong pisong fertilizer fund scam.

Batay sa 13-pahinang desisyon, binaligtad ng Second Division ang resolusyon na inisyu ng Sandiganbayan noong Setyembre 30, 2016 at Disyembre 13, 2016 na nagbabasura sa mga kasong katiwalian nina Lapid at Malayan Pacific Trading Corporation (MPTC) officials Ma. Victoria Aquino-Abubakar, Leolita Aquino at Macro-Micro Fertilizer Resources proprietor Alexander S.D. Vasquez.

Binasura ng anti-graft court ang kaso dahil sa paglabag sa karapatan ng respondents sa mabilis na disposition ng kanilang mga kaso dahil sa “inordinate delay” sa panig ng Office of the Ombudsman na magsagawa ng fact-finding investigation.

Sinabi naman ng SC na, “Sandiganbayan gravely abused its discretion in dismissing the case against Lapid and his co-accused.”

“Even the Sandiganbayan observed that there was no evidence to show that the Ombudsman commenced and conducted a fact-finding investigation as earlier as 2006. The panel found probable cause to indict Lapid and his co-accused for graft on September 18, 2013, or two years and four months from the filing of the complaint.

“Thus, from the filing of the formal complaint until the Ombudsman’s approval of the resolution finding probable cause against Lapid, et al, the length of time consumed for the preliminary investigation was three years and one month,” ayon sa ruling ng SC.

Nahaharap sina Lapid sa kasong paglabag sa Section 3 (e) at 3 (g) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act 3019 dahil sa maanomalyang pagbili ng overpriced na liquid fertilizers na nagkakahalaga ng P4.76 milyon sa MPTC na hindi umano dumaan sa public bidding.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?