177

By

Kasong grave threat, isinisi ni Trillanes kay Duterte

Sinabihang “baliw” ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte at isinisi rito ang pagsasampa ng kasong grave threat laban sa kanya sa Pasay City court.

Kinasuhan ang senador ng Pasay City Prosecutor’s Office sa Branch 47 ng Pasay Metropolitan Trial Court.

“Binaliktad na talaga ni Duterte ang hustisya sa Pilipinas. Siya itong pinapatay mismo ang mga ordinaryong Pilipino, pinapa-rape ang mga babae sa mga sundalo, pinapa-kidnap at torture ang mga COA auditors at pinapa-holdup ang mga bishops, tapos ako ang pinakasuhan niya ng grave threats sa mga bata niya? Baliw talaga,” ani Trillanes.

Pero sa kabila nito, nanindigan si Trillanes na haharapin niya ang naturang kaso.

“Like all the other harassment cases filed against me, I will face this squarely,” aniya.

Nag-ugat ang kasong grave threat sa reklamo ni Labor Undersecretary Jing Paras na pagbabanta umano ng senador sa kanyang buhay nang magkrus ang landas nila sa Senate hearing noong Mayo 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?