173

Dec 18, 2017 @ 17:52
By

Kasong graft ni Echiverri, lilitisin na sa Sandiganbayan

Tuloy ang paglilitis ng Sandiganbayan sa kasong graft laban kay dating Caloocan City Mayor Enrico Echiverri.

Ito ay sa kabila ng desisyon ng Commission on Audit (COA) na bawiin ang kautusan para sa dating alkalde na ibalik ang isang bilyong pisong public funds na iligal umanong ginastos.

Sa magkahiwalay na resolusyon ng anti-graft court Sixth at Seventh Divisions, ibinasura ang motions to quash sa dalawa sa 33 graft cases na kinakaharap bi Echiverri.

Ayon sa ruling, hindi maaaring gamitin ng dating alkalde ang kautusan ng COA upang awtimatikong mabasura ang kanyang mga kaso.

Kabilang sa demanda ang P8.81 billion drainage project at P4.9-million multi-purpose hall na ipinatupad nang walang kaukulang pag-apruba mula sa Sangguniang Panglungsod ng Caloocan.(Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?