81
Comelec: Duterte Youth walang kinatawan hangga’t ‘di nareresolba ang Cardema case
By

Kasong administratibo isinampa vs Comelec

Naghain ng administrative complaints sa Office of the Ombudsman ang ilang election watchdog laban sa mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa naging iregularidad sa 2019 elections.

Batay sa complainants na pinangunahan ni Mata sa Balota president Manuel Galvez at legal counsel Melchor Magdamo, inireklamo nito sina Comelec executive director Jose Marundan Tolentino, deputy Teopisto Elnas Jr., at spokesperson James Arthur Jimenez.

Kabilang din sa kaso sina dating Comelec chairman Andres Bautista at hindi pinangalanang mga opisyal ng Smartmatic.

Inakusahan nila ang mga opisyal ng Comelec ng pagiging “gross neglect of duty” sa automated election system noong May 13 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?