113

Jun 21, 2018 @ 17:14
By

Kaso vs Aquino, Abad tungkol sa DAP malamya – Gordon

Dismayado si Senador Richard Gordon sa rekumendasyon ng Office of the Ombudsman na kasuhan sina dating Pangulong Benigno Aquino III at dating Budget Secretary Florencio Abad kaugnay ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ayon sa senador, masyadong maliit ang kasong Usurpation of legislative powers laban kina Aquino at Abad.

Mas angkop umanong kaso ang technical malversation of public funds hanggang sa katiwalian kung saan maari nang pumaloob ang “usurpation” o pagkuha ng kapangyarihan ng Konggreso na magpasya sa paggamit ng pondo ng gobyerno.

Sa DAP, ipinunto ni Gordon na nagdeklara sina Aquino at Abad ng savings sa kalagitnaan ng taong 2012 at ipinamudmod ito sa mga mambabatas samantalang hindi iyon bahagi ng latag ng General Appropriations Act o pambansang badyet noon.

“Though I don’t know all the facts yet, I would have chosen the more stringent offenses which are graft and corruption and technical malversation,” ayon kay Gordon.

“Yung sa malversation, absorved na ang usurpation doon eh. In order to commit malversation, they usurped the powers of Congres,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?