25

Jan 18, 2021 @ 19:55
By

Kaso vs Acosta, Erfe sa Dengvaxia issue binasura ng Ombudsman

Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang mga reklamong kriminal at administratibo laban kina Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta at PAO forensics chief Erwin Erfe kaugnay sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Sa isang resolusyon, sinabi ng investigating prosecutor na walang probable cause para isakdal ang dalawa sa graft, falsification of public documents, malversation of public funds or property at illegal use of public funds or property.

“The criminal and administrative complaints against respondents are hereby dismissed, for insufficiency of evidence,” ayon sa resolusyon.

Noong October 2018, naghain ang abogadong si Wilfredo Garrido Jr., ng mga reklamo laban kina Acosta at Erfe, at inakusahan ang mga ito ng pagtatayo at pagpopondo ng PAO Forensic Laboratory nang walang legislative authority; “ambulance-chasing” cases; paggawa ng katibayan ng isang hinihinalang Dengvaxia vaccine recipient at pagkakalat ng hysteria sa pamamagitan ng mga pahayag sa media.

Pero ayon sa Ombudsman, pawang ibinase lamang sa mga news articles at social media post ni Garrido ang mga alegasyon nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?