38

Kaso vs 9 na gabinete ni Noy, pang-cover up ng gobyerno – Kiko

Sharing is caring!

Tahasang sinabi ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na pang-cover up lang administrasyong Duterte ang plunder case na inihain laban sa siyam na opisyal ni dating Pangulong Beningo S. Aquino III kaugnay ng maanomalyang Metro Rail Transit 3 (MRT-3) maintenance deal.

Ikinumpara ng senador ang kaso laban sa dating opisyal ni Aquino sa kasong kinasasangkutan naman ng mga opisyal ng kasalukuyang administrasyon.

“When we compare this to the plunder case filed against 9 Cabinet secretaries of former President Aquino and 3 undersecretaries, there seems to be a cover-up. Is this negligence or incompetence?” sabi ni Pangilinan, presidente ng Liberal Party sa isang statement.

Inihalimbawa nito ang kaso ni Supt. Marvin Marcos, ang pulis na kinasuhan sa pagkamatay ni dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. noong 2016.

Binanggit pa ng senador ang extorion case kina Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles na sangkot sa P50 milyong bribery at P64-bilyong shabu smuggling case na kung dawit ang mga dating Customs officials Gerardo Gambala at Milo Maestrecampo.

“Critics are silenced, allies go scot-free,” diin ni Pangilinan.

Gayunman, umaasa si Pangilinan na maging objective ang Ombudsman sa kanilang imbestigasyon sa kasong ng mga dating opisyal ng nagdaang administrasyon.

“Despite all these, we trust that the Ombudsman will be fair and render impartial justice. We are confident that the former secretaries accused of wrongdoing will be able to defend and exonerate themselves,” ani Pangilinan.

Ilan sa mga kinasuhan sa Ombudsman kaugnay ng maanomalyang kontrata sa MRT 3 ay sina dating Transportation Secretaries Mar Roxas at Joseph Emilio Abaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?