13

Jul 19, 2021 @ 12:42

Kaso vs 2 Aeta na-dismiss

Pinawalang-sala ng isang korte sa Olongapo City ang dalawang Aeta na naaresto noong 2020 dahil sa umano’y pamamaril sa mga sundalo kung saan isa ang napatay.

Kinilala ang dalawang Aeta na sina Japer Gurung at Junior Ramos.

Sila ay isinakdal sa kasong paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020.

Ayon sa Public Attorney’s Office (PAO) na nagtanggol sa kanila, mahina umano ang prosekyusyon sapagkat hindi man lang kinilala ng mga sundalo sina Gurung at Ramos. At ang pag-profile umano sa dalawa ay isang ‘afterthought’ lamang. At dahil hindi sila lubusang nakilala ng mga sundalo, kwestyonable rin umano ang mga armas na nakumpiska mula sa kanila.

“After a careful examination of the records, the Court holds that the prosecution failed to discharge the burden of proving the identifies of the accused as the perpetrators of the crime of violation of Section 4 of RA 11479. Thus, the case for violation of this law against the accused must be dismissed,” saad sa ruling ng korte.

Nauna nang sinabi ni Gurung na habang sila ay nakakulong ay tinorture sila upang mapaamin na miyembro sila ng New People’s Army.

Itinanggi naman ito ng militar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?