137

Oct 31, 2018 @ 17:32
By

Kaso tinapat sa ex-mayor na nagtalaga ng kapatid sa puwesto

Ipinagharap ng Office of the Ombudsman ng kasong graft sa Sandiganbayan ang dating alkalde ng Lucban, Quezon matapos italaga ang kanyang kapatid sa dalawang posisyon kahit hindi kuwalipikado.

Base sa charge sheet na pirmado ni Ombudsman Samuel Martires, kinasuhan si dating Mayor Celso Olivier Dator ng isang bilang ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Inirekumenda rin ng prosekusyon ang piyansang P30,000 para sa pansamantalang kalayaan ni Dator.

Nakasaad sa asunto na itinalaga ni Dator ang kapatid na si Maria Lyncelle Macandile bilang chief administrative officer at municipal administrator.

Ito’y kahit pa hindi kuwalipikado si Macandile sa nabanggit na mga posisyon sa munisipyo sa ilalim ng Local Government Code.

Ayon pa sa prosekusyon, ang ginawa ng dating alkalde ay labag sa Civil Service Law at taliwas sa public interest at government service.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?