66

Oct 25, 2017 @ 15:54

Kaso sa iba pang sangkot sa pork barrel scam, kasado na

Nagsasagawa na ng case build up ang National Bureau of Investigation (NBI) sa iba pang mga sangkot sa pork barrel scam.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre III, ang case build up ay batay sa makapal na dokumento na isinumite ni dating Manila Councilor Greco Belgica.

“Meron nang nagsubmit sa amin niyan, for case build up and asking for the help of the NBI to build up a case… pero makapal yan, binigay sa ‘min ni Greco Belgica,” ang saad ni Aguirre.

Nauna nang tinukoy ni Aguirre na nagsasagawa na ang kagawaran ng reinvestigation sa kaso ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam dahil hindi naman lahat ng mga nabunyag sa pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA) ay naipagharap ng kaso.

Aniya, muling binuhay ng DOJ ang Task Force on PDAF cases na pinangungunahan ni Justice Undersecretary Antonio Kho para tutukan ang reinvestigation. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?