109

Dec 28, 2017 @ 18:29
By

Kaso nina Pulong, Carpio harassment lang – Trillanes

Itinuturing ni Senador Antonio Trillanes IV na harassment ang civil case na inihain laban sa kanya ni Presidential son Paolo Duterte at bayaw na si Atty. Mans Carpio.

Sinabi ni Trillanes na naging takbuhan na ng pamilya Duterte ang justice system sa tuwing malalagay sa alanganing sitwasyon.

“It’s nothing but another harassment suit because our corrupt and coopted justice system have become the refuge of the Duterte scoundrels,” saad ni Trillanes.

Kasabay nito, tiniyak ni Trillanes na hindi magsisilbing hadlang kaso upang mapanagot ang pamilya Duterte sa kanilang kasalanan aa bayan.

“Just be sure that you’d (Duterte) be in power forever because I have made it my life’s mission to make your murderous and corrupt clan accountable for your actions,” diin ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?