219

Sep 21, 2021 @ 17:32
By

Kaso ni Ongpin ‘wag idaan sa power – Ermat ni Jonson

Nangangamba ang ina ng nasawing painter na si Bree Jonson na maaaring hindi nila makuha ang hustisya dahil kabilang sa isang prominenteng pamilya ang pinaghihinalaang may kinalaman sa pagkamatay ni Jonson na si Julian Ongpin.

Si Julian ay anak ng bilyonaryo at dating Marcos Trade Minister na si Roberto ‘Bobby’ Ongpin.

Bukod dito, napabalitang matapos mahuli ay agad na pinakawalan si Julian kahit pa nahulihan na ito ng cocaine sa hotel room na inarkila nila ni Jonson noong Sabado.

Kaya naman gayon na lamang ang pangamba ng ina ni Bree na si Sally na mahihirapan silang mapanagot ang may sala sa pangyayari.

“Ang bigat niyan…kasi kami ay ganito lang (gesturing na maliit) sa mata ng ibang tao at giant yung aming hinaharap. Pero ang sa akin lang is kung may kasalanan ang anak mo (Ongpin), ipag-panagot mo sa kanya yun,” wika ni Sally sa panayam ng ANC.

“So sana mabigyan ng tamang proseso. Idaan natin sa investigation, wag yung idaan niyo sa power and everything. Iayos natin ito. Kawawa naman yung anak ko,” dugtong pa ng naulilang ina.

Kaya humiling din si Sally sa Department of Justice na maglabas ng hold departure order laban kay Ongpin upang ‘di ito makalabas ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?