benigno-noynoy-aquino
By

Kaso ni Noynoy, hahawakan ng appointee niya sa Sandiganbayan

Sharing is caring!

Nai-raffle na ang mga kasong graft at usurpation of official functions na inihain ng Office of the Ombudsman laban kay dating Pangulong Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino III sa Sandiganbayan kaugnay ng Mamasapano incident.

Napunta ang kaso sa Third Division ng anti-graft court na pinamumunuan ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, na appointee ni Aquino.

Ayon kay Sandiganbayan Third Division clerk of court Dennis Pulma, base sa proseso, hindi pa maaaring magpiyansa ang dating pangulo hangga’t hindi pa natutukoy ng korte kung may probable cause sa reklamo para makapag-isyu ng arrest order.

Nag-ugat ang kaso ni Aquino sa Mamasapano incident noong Enero 2015 kung saan mahigit 60 ang napatay kabilang ang 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF).

Salig sa impormasyon ng kaso, dapat managot si Aquino sa insidente dahil iligal ang ginawa nitong pagpapahintulot sa suspendido noong si dating PNP Chief Alan Purisima na sumali sa pagpaplano at pangunahan ang Oplan Exodus para tugisin ang teroristang si Zulkifli Binhir alyas Marwan.

Inirekomenda ng Ombudsman ang piyansang P40,000 para sa mga kaso o P30,000 para sa graft at P10,000 para sa usurpation of official functions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?