1,772
ABANTE Panfilo Lacson pnp tokhang
By

Kaso ni Imelda Marcos patunay na may kinikilingan ang hustisya – Lacson

Sharing is caring!

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na normal at bahagi ng due process ang pagpapaliban ng Sandiganbayan sa pagpapakulong kay dating unang ginang at Ilocos Norte Representative Imelda Marcos.

Pero maliwanag umano itong nagpapakita ng kaibahan ng hustisya para sa mahirap at mayaman.

Kung ordinaryong tao ang nahatulan ng kalaboso matapos mapatunayang nagkasala sa kasong katiwalian gaya ni Marcos, tiyak umanong nasa kulungan na ito.

“Having said that, if it were an ordinary Juan or Juana de la Cruz without access to pricey lawyers, he or she would have been hauled to prison upon conviction and while awaiting appeal,” sabi ni Lacson.

Dagdag pa ng senador, “It happens all the time. While we may not like it, that is how justice is served in our country.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?