68

Oct 10, 2017 @ 14:49

Kaso ni De Lima, hindi pa dead end – Drilon

Hindi susuko ang Senate minority sa pakikipaglaban para kay Senador Leila de Lima sa kabila ng pagbasura ng Supreme Court sa petisyon nito laban sa kanyang kasong droga.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, sa 9-6 na boto ng Korte Suprema, nangangahulugan na dalawang mahistrado lamang ang kailangang makumbinsi upang mabaligtad na ang desisyon.

“We will not give up. We will keep on requesting. We are not asking for Sen. De Lima to be released, what we are just asking is to allow her to perform her duties as senator,” saad ni Drilon.

Iginiit  ni Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na ang desisyon ng Korte Suprema ay manipulasyon ng administrasyon sa tatlong sangay ng pamahalaan para isulong ang pansariling interes sa bansa.

“The SC ruling is quite unfortunate as it virtually puts a stamp of legitimacy on the political persecution and injustice being done to Sen de Lima. It also highlighted Duterte’s total control and manipulation of the three branches of the government for his evil political ends, Dapat tindihan natin ito,” saad ni Trillanes.

Nanawagan naman si Senador Risa Hontiveros sa mamamayan na patuloy pa ring ibigay ang suporta kay de Lima.

“Sa panahon ng dilim at lagim, higit kailan man, ituloy natin ang kampanya para sa katotohanan at katarungan,” giit ni Hontiveros.

Binigyang-diin naman ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel na nirerespeto nila ang desisyon ng Korte Supreme subalit may pagasa pa rin naman anya ang senador.

“We respect the decision of the SC, they’ve studied the case thoroughly than us here. Anyway my second review pa siya, the court itself hearing her case,” pahayag ni Pimentel. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?