158

Jul 19, 2018 @ 17:47
By

Kaso ng rape bumaba – PNP

Nagkaroon ng 24 porsiyentong pagbaba ang kaso ng panggagahasa sa loob ng isang taon, ayon sa PNP.

Sa ibinigay na datos ni Police Sr. Supt. Benigno Durana, ang tagapagsalita ng PNP, mula sa 9,204 kaso mula July 2016 hanggang June 2017, ito ay bumaba na sa 6,999 kaso mula noong July 2017 hanggang nitong nakalipas na Hunyo.

Kasabay nito, sinabi ni Durana na bukas sila sa suhestiyon ni Sen. Risa Hontiveros at ibang women’s rights groups na baguhin ang kanilang anti-rape tips.

“We agree with the good senator that the guidelines on rape prevention need to be updated with due consideration to gender sensitivity issues,” sabi pa ni Durana.

Aniya dapat ipaintindi sa mga kalalakihan ang paggalang sa karapatan ng mga kababaihan.

Aminado ang opisyal na dapat ay magkaroon ng mas maagang edukasyon para sa mga kabataan hinggil sa rape bilang krimen, gayundin sa mga bago at nauusong ‘date-rape drugs.’

Ibinahagi nito na kabilang sa mga date-rape drugs ay ang GHB, MDMA at Ecstacy

“While we cannot control criminal motive, we can help prevent it through gender-blind self-education. Both men and women ought to know that rape is a serious crime and that they can go to jail if they violate another person’s human rights,” dagdag pa nito.

Samantala, dinipensahan naman nito ang Angono Police sa inilabas na kontrobersyal na ‘anti-rape tips’ sa katuwiran na maganda naman ang intensyon ng paalala o payo para sa kaligtasan ng mga kababaihan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?