50

By

Kaso ng pinatay na 5 PDEA agent, personal na tututukan ni Duterte

Sharing is caring!

Pokus ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbestigasyon at paggulong ng kaso sa limang miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na inambush sa Lanao del Sur noong Biyernes.

Ipinaabot ng Malacañang ang pakikiramay sa pamilya ng mga biktima ng ambush na hinihinalang kagagawan ng sindikato ng iligal na droga sa nabanggit na lugar.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na makakaasa ang pamilya ng limang napatay na PDEA agents na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga ito.

Maging ang pagpatay kay Ozamiz City RTC Judge Edmundo Pintac ay kinondena rin ng Malacañang, at tiniyak na hindi titigil ang mga awtoridad para panagutin ang mga salarin.

“Nagsimula nang gumulong ang imbestigasyon at ang kasong ito ay personal na tutukan mismo ng Pangulo. Makakaasa ang lahat na makakamit ang hustiya sa mga napaslang,” ani Roque.

Sinabi pa ng kalihim na ang mga ganitong uri ng krimen ay patunay na totoo ang panganib na kinakaharap ng mga awtoridad at miyembro ng hukuman sa pagsugpo at paglilitis sa mga sangkot sa illegal drug trade.

“Ang mga ganitong pagpatay ay mariin naming kinokondena. Ang mga ito ay patunay na totoo ang panganib na kinakaharap ng ating mga awtoridad sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot. These deaths attest that the drug war is real,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?