157

By

Kaso ng pagpatay kay Fr. Nilo, lutas na – PNP

Sharing is caring!

Ikinokonsidera na ng Philippine National Police (PNP) na tapos o naresolba na ang kaso sa pagpatay kay Father Richmond Nilo noong Hunyo 10, 2018 sa Zaragoza, Nueva Ecija.

Ayon kay PNP Region 3 Regional Director Police Chief Supt. Amador Corpuz, tukoy na nila ang gunman sa krimen.

Kasunod ito ng isinagawang pag-amin ng isa sa mga suspek na si Omar Mallari na siya ang bumaril kay Fr. Nilo.

Aniya, kasabwat ni Mallari sina Manuel Torres, Ronaldo Garcia at Marius Alvis na ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Nueva Ecija.

Napag-alaman na rin ng PNP ang motibo sa krimen at ito ay ang galit ni Torres dahil sa pag-udyok ng pari sa mga umano’y minolestiya ni Christopher Torres, na pamangkin niya at seminarista sa St. Vincent Ferrer Parish Church sa Zaragoza.

Sinabi ni Corpuz na nagalit si Manuel kay Fr. Nilo dahil hindi natuloy sa pagpapari ang kanyang pamangkin dahil tinulungan nito ang tatlong seminarista na minolestiya umano ni Christopher.

Pinangakuan ni Manuel si Mallari ng P100,000 pero P80,000 lang ang naibigay sa gunman dahil sa naaresto na ito.

Kahit umamin na si Mallari na siya ang gunman at natukoy na ang motibo sa pamamaslang, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng PNP Region 3 sa krimen. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?