108

Dec 17, 2017 @ 14:11
By

Kaso ng kelot bumigat dahil sa ihi

Nagkapatong-patong ang kaso ng isang lalaki matapos siyang maaktuhang umiihi sa isang pader sa Pasay City noong Sabado ng hapon.

Hindi lang paglabag sa City Ordinance 1572 (Urinating in Public Place) ang kahaharaping kaso ni Andrew Bueno, 27 ng Briton St. kundi kakasuhan dito matapos matapos mahulihan ng hindi lisensiyadong .38 revolver.

Base sa ulat, nagpapatrulya ang mga pulis sa kanto ng Taft Avenue at Gil Puyat Ave., alas-4 ng hapon kamakalawa nang mapansin nila ang umiihing lalaki sa pader.

Agad sinita si Bueno at nang kapkapan ay nadiskubre ang baril nito sa kanyang baywang. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?