28

By

Kaso ng ‘Ilocos 6’, tatalakayin sa Korte Suprema

Sharing is caring!

Inaasahang tatalakayin na rin ngayong araw sa en banc session ng Korte Suprema ang kaso kaugnay sa binansagang Ilocos 6 na kinabibilangan ng anim na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte na una nang na-detine sa Kamada de Representantes

Sa kanilang petisyon, hinihiling nila na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order na pipigil sa pagsisiyasat ng House Committee on good government and public accountability sa tobaco excise tax fund.

Ang Ilocos 6 na mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte ay iniutos na makulong nuong May 29, 2017 sa Kamara matapos hindi magustuhan ng mga kongresista ang sagot nila tungkol sa mga biniling sasakyan na pinaggamitan ng tobaco excise tax fund na nagkakahalaga ng 66.45 million pesos.

Pero sila ay ganap nang nakalaya noong July 25, 2017.

Samantala, matapos ang halos pitong taon, inaasahang madedesisyunan na rin ng Korte Suprema ang isyu kaugnay sa constitutionality ng watchlist order na ang bisa ay pinigil ng hukuman nang magpalabas ito ng temporary restraining order noong 2011.

Nag-ugat ang kaso sa petisyong inihain ni Dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Arroyo na kumukuwestiyon sa inisyung watchlist order laban sa kanya ni Dating Secretary Leila de Lima.

Bagamat nagpalabas ng TRO ang Korte Suprema laban sa nasabing WLO, hindi ito kinilala ng DOJ kaya hindi natuloy ang balak na pagpapagamot sa ibang bansa ni Arroyo hanggang sa siya ay tuluyang maipagharap ng kasong electoral sabotage sa korte sa Pasay City na walang katapat na pyansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?