0
views

By

Kaso ng dengue sa Batanes lumobo sa 175

Sharing is caring!

Tumaas sa 175 ang bilang ng mga may sakit ng dengue sa Batanes.

Ayon sa report, naglunsad na ang health officials sa lugar ng massive fumigation at clean-up drive.

Karamihan ng naitalang kaso ng dengue ay mula sa mga bayan ng Itbayat at Sabtang.

Isa sa mga pasyente na 2-anyos na batang lalaki ay namatay bago pa man ito nailipat sa Batanes Provincial Hospital.

Noong nakaraang linggo ay inilipat sa pamamagitan ng bangka mula sa Itbayat at Sabtang sa Batanes Provincial Hospital ang nasa 120 dengue patients para magamot habang ang 82 pa ay inilipad naman ng Coast Guard. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?