13

Oct 11, 2021 @ 13:05
By

Kaso ng Dengue sa Baguio lumobo sa 700%

Namaga sa 700% ang bilang ng kaso ng Dengue sa Baguio City ayon sa kanilang City Health Services Office.

Batay sa datos, mahigit 1,000 Dengue cases na kasi ang naitala sa naturang lungsod mula Enero hanggang Oktubre 4 ngayong taon.

Mas mataas anila ito sa mahigit 100 lang na bilang na naitala noong 2020.

Dagdag pa rito, 10 katao na umano ang nasawi dahil sa Dengue sa Baguio ngayong taon.

Dahil dito, hinimok ng mga health officer ng Baguio ang kanilang mga residente na mas paigtingin pa nila ang pagpapanatili ng kanilang kalinisan. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?