56

Jan 8, 2022 @ 16:52
By

Kaso ng COVID sa ‘Pinas sumipa sa bagong record

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 26,458 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong Sabado, na siyang pinakamaraming bilang ng kaso na naitala sa isang araw buhat ng nagsimula ang pandemya.

Nilagpasan nito ang dating record na 26,303 kaso na naitala noong Setyembre 11, 2021.

Ang mga bagong kaso ay naitala mula sa 77,004 indibidwal na sumailalim sa testing, kaya’t ang positivity rate ay nasa 43.7%.

Kaya naman, lumobo sa 102,017 ang mga aktibong kaso.

Ang kabuuang bilang naman ng nagkasakit ng COVID sa bansa ay umakyat sa 2,936,875.

Nadagdagan din ang bilang ng mga nasawi ng 265 at sumampa na sa 52,135.

Gumaling naman ang 1,656 pasyente at ngayo’y 2,782,723 na ang mga nakarekober mula sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?