19

May 9, 2021 @ 16:39
By

Kaso ng COVID sa bansa, 1.1 milyon na

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Linggo, Mayo 9 ng 7,174 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito’y pumalo na sa 1,101,990 ang kabuuang bilang ng kaso ng virus sa bansa.

Iniulat din ng ahensya na 204 ang nadagdag sa mga bilang ng yumao dahil sa COVID. Umabot na sa 18,472 ang lahat ng pumanaw dahil sa sakit.

Samantala, 9,197 naman ang mga bagong nakarekober.

Sa ngayon, 1,022,224 na ang lahat ng mga gumaling sa COVID at 61,294 naman ang mga aktibong kaso.

Sa kabuuan, mula Mayo 2 hanggang Mayo 8 ay nakapagtala ang ahensya ng 48,318 bagong kaso ng COVID.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?