9

May 3, 2021 @ 19:11
By

Kaso ng COVID sa Bacolod police, 72 na

Umakyat na sa 72 ang mga naiulat na kaso ng COVID-19 sa mga pulis sa Bacolod City, ayon sa anunsyo ng city police director sa lugar nitong Linggo, Mayo 2.

Ayon kay city police director Col. Manual Placido, 15 kaso ang naitala sa Police Station 4 ng lungsod, na siyang pinakamarami sa lahat ng istasyon ng pulis sa lugar.

Dagdag pa ni Bacolod City Police Office spokesperson Lt. Liberty Indiape, ang lahat ng police station at maging ang main headquarters ng pulisya sa lungsod ay may naitala ng kaso ng COVID-19.

Gayumpaman, aniya, lahat ng mga presinto ay patuloy na operational at wala pang isinasailalim sa lockdown.

Sa kasalukuyan ay nagdadagdag ang pulisya sa lugar ng ibang mga pulis habang ang kanilang mga kasamahan ay nagpapagaling.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?