17

Jan 3, 2021 @ 8:35
By

Kaso ng COVID-19 sa US hindi na makontrol

NEW YORK – Pumalo sa 10,000 katao sa Estados Unidos ang nasawi dahil sa COVID-19, tatlong araw bago maghiwalay ang taon habang nasa 20 million na ang positibo sa virus, ang naitala batay sa datos ng John Hopkins University.
Naitala na rin sa Colorado, California at Florida ang highly contiguous COVID-19 variant na unang natuklasan sa United Kingdom.
Bagama’t patuloy ang pagbibigay ng bakuna patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay at nahahawa ng coronavirus
Sa California puno na ang mga hospital bed kaya ang ilan ay nagpapagaling na lang sa kani-kanilang mga bahay na masusi namang minomonitor ng health officials doon.
Sa New York City tumaas ng ng 10 percent ang positivity rate kaya nagbabanta ang panibagong lockdown para makontrol ang paglobo ng mga nagkakasakit.
Ayon sa US Health Department, posibleng abutin pa ng tatlong buwan bago maramdman ang epekto ng mga bakuna ng Pfizer at Moderna.
Sa ngayon pumalo na sa 350,000 katao ang namatay sa Amerika kung saan kabilang na dito ang mga Pinoy.
Ayon kay Dr Anthony Fauci, Director ng US National Institute of Allergy and infectious Diseases, asahan na raw ang pagtaas ng bilang ng mga magkakasakit.
Sinisi ni Fauci ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay at nahahawa sa kaliwat-kanang party nitong nakaraang holidays simula sa thanksgiving noong November.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?