916

Aug 5, 2022 @ 15:48

‘Kaso may nakatayo’: Nikko ginaya pagpapaseksi ni Elisse

Aliw na aliw ang mga netizen sa panggagaya ni Nikko Natividad sa pagpapaseksi ni Elisse Joson.

Sa Instagram, ibinahagi ni Nikko ang larawan kung saan ginaya niya ang pagsusuot ng yellow bikini ng aktres.

Kinopya rin ni Nikko ang mga posing ni Elisse.

Nakakatawang caption nito: “@mccoydeleon mamili ka? Kunwari lasing na lasing na kami ni @elissejosonn. Bakit AKO ang iuuuwi mo?”

Sumagot si McCoy at sinabing iuuuwi niya sana si Nikko subalit may nakita siyang nakatayo.

“Ikaw sana kaso may nakita akong nakatayong tissue,” sagot ni McCoy.

Hindi rin nagpahuli sa pagkokometo si Elisse at sinabing: “Gusto ko magsalita ng masasamang words nikko!!!!!!!!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?